what a heck

Buto’t Balat, Lumilipad

Buto’t Balat, Lumilipad
by: Beverly Arguelles

 

 

Sino ba siyang nasa taas kumikilos ng malaya
Damdamin ng isang musmos pilit na ginagagambala
Maliliit na mga paa tinuturaang kumaripas
Sumabay sa kanyang indak habang daa’y tinatahak.

 

 

Sino siyang nagmamataas at sa lupa’y nakaangat,
Di maabot ang bagwis nya kahit man lang sa pangarap
Walang humpay sa pagtawa animoy humahalakhak
Tunog ng pisi nya musika ang siyang katapat.

 

 

Ibat-iba ang kanyang hugis, hitsura at mga kulay
Deteminasyon sa paglipad na siyang nagbibigay buhay
Buntot na sumasayaw pakpak na kumakaway
Mukha niya’y nakangiti nang-aakit na sumabay.

 

 

Buto niya minsan payat at kalimitan ito’y patpat
Nakasalalay dito buong buhay ng kanyang buhat
Malaki man o maliit ang taglay na kanyang sukat
Kailangan mong tumingala at sundan ang kanyang yapak.

 

 

Isang hihip lang ng hangin, katawan nya’y sumasayaw
Nagbibigay inspirasyon at buhay sa twing tag-araw
Hindi siya napapagod hanggang sa paglubog ng araw
Siya kaya ay super hero o kaya  isang halimaw?

 

 

Buto’t balat lumilipad matagal ng palaisipan
Hindi naman siya airplane pero nasa kalawakan
Hindi rin siya alien pero my kapangngyarihan
Na buhay mo’y pasayahin at baguhin ang isipan.

 

 

Buto’t balat lumilipad ngayon ay kilala ko na
Ispirasyon na mangarap, abutin ang makakaya
Wag matakot na lumipad Diyos ang sayo’y magkakarga
Yan ang tanging aral at turo ng SARANGGOLA.

26 Responses to "Buto’t Balat, Lumilipad"

:) hanep. na add na kita.

“Hindi siya napapagod hanggang sa paglubog ng araw
Siya kaya ay super hero o kaya isang halimaw?”

sana ganun din tayo :)

ganda ah

hi ate bevs gandahpoh ng gwa u pedepotngkol s amin n lj!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

galing simple at may katuturan..

mabuhay ka, ganda ng tula mo… pareparehas pala tayo ng kategorya.

salamat po! ikaw din napakahusay ng iyong gawa..

mahusay kayong pareho!

wow astig…
lupet naman ng tula mo,
para akong nadyahe gumawa at magpass. hehehe

wow..galing!

lalim..kakarelate ako..nice one..karapatdapat kang i-clap,clap..ehehehe…

simple pero may dating!

[...] “Bakit ka malungkot, Kaito?” [...]

cnu kaito?

si kaito ay isang bata!

wah! meron kayang saranggolang mataba? hahaha!

di ko rin alam e di pa ko nakakakita.. tsaka baka mhirap gwin yun.hehe

ang saranggola lagi nilang sinisimbulo sa pangarap.

kung gaano kataas ang kayang ilipad ng saranggola, ganun din ang pangarap.

pero naisip ba nila na may mga bagay na pwedeng magpabagsak sa saranggola. hangin, bagyo, ulan, tibay ng tali, tatag ng papel.

ganun din ang pangarap. minsan di natin napapalipad ng maayos. minsan bumabagsak.

pero naisip ko rin ba na pwede ulit gumawa ng saranggola matapos itong masira?

tama ka jan.. kaya kung lilipad ka cguraduhin mong abot ng iyong kakayanan at kung sakaling bumagsak magpatuloy lang lang muling lumipad.. lipad kaito..

para ako nakaupo sa tumbatuma na may taban ng isang tasa ng kape at tanaw ang berdeng palayan sa gitna ng hamog bandang alas-sinko ng umaga..

galing!

aztig te bevs…hahaha…galeng…hnd ko man lamang nalaman na ikay may angking galing sa paggawa ng tula…woooo….

pa spam din ha…

pagaleng ka….

hi bev, dami mong entries ;)

CONGRATULATIONS!

salamat po..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: