what a heck

Di bale na…

Posted on: July 3, 2009

sleepim longing for thiZZZZZZZZZzzzzzzzzzz……

 

 

 

Di bale nang walang tulog kesa walang gising, 

        Pagkat buhay mahalaga kahit di napapansin

        Gaano man kabigat ang iyong dalahin

       Wag kang bibigay ikaw ay manalangin.

 

Di bale ng walang tulog kesa walang gising;

         Dahil my pagkakataon pang hangin ay lasapin

         Masarap tumawa, maglaro’t kumain

         Magtext kn lang oras ay lilipas din.

 

Di bale ng walang tulog kesa walang gising;

        Di bale ng uhaw kesa laging lasing

        Di bale ng gutom kesa ikaw ay matusing

        Ang iyong tadhana ay gawing may layunin.

 

Buti na lang walang tulog at  gising na gising;

       Dahil tula sana’y di kayang yariin

       Kung di naiinip atsaka naboboring

        Di makakaisip ito’y likahain..

 

Dalangin ko sana kahit walang tulog at kain

        Dito sa opisina utak ko ay ‘wag hanginin

       Kahit limang supot ng dingdong ang kainin 

       Ang kalokahan ko ay di kayang pawiin..  bow!!

1 Response to "Di bale na…"

haay..kaadik mo naman.. kung kelan ko feel na maging dramer ulit ng banda ng buhay ko. Haay, gusto ko ng maloka. Naiinis ako sa buhay ko. Ewan ko. I am so insecure. Pasensiya ka na kung ang puwang na ito ang pinili kong paghingahan ng aking mga saloobin. (hindi naman ako bad breath e kahit masyado na akong bad inside) waaah..gusto kong sumigaw. e2 na naman ako. pero salamat..hayaan mo, i will also publish my part on this (just don’t know when), i am just writing it now. Thanx for this anyway.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: