what a heck

mUsta naman AKO

Posted on: August 17, 2009

         by God’s grace dito na ulit ako sa upuan sa aking opisina.. tandang tanda ko pa ang lahat ng aking mga karanasan na kahit burahin ng liquid eraser ay nabababasa ko ang pagkakasulat nito sa aking puso at isipan.

 

       Habang aking tinatahak muli ang landas ng pakikipagsapalaran, ngayon ako nakakaramdam ng pagdadalamhati. Lungkot ng malayo sa aking pamilya. Lungkot ng nag-iisa at pakiramdam ng walang kasama. Di lang ako malamagn ang nakakramdam nito pati na rin ang pamilya ko na aking iniwan pansamantala. Miss ko sila.. Parang gusto ko lagi ko na silang kasama ngayon mula ng mabawasan kmi ng isa sa pamilya pero no choice..

 

        Kanya kanyang panahon ang lahat ng bagay.. lahat ng bagay dito sa mundo ay temporal.  May panahon ng pagluha at kagalakan. Nagkataon na ang panahon ko ngayon ay nangagailangan ng pagkalinga sa sandali ng katahimikan. Lilipas din ito at maghihilom sa pagdating ng takdang panahon.

 

         Sa kabila ng kapighatian may mg bagay na natutunan. Marami ring mga bagay sa nadidiskubre at maraming alaala na dapat i-treasure. Mga karanasan na minsan lang natin naranasan. Mga aral na di pa natin na-encounter   kailanman. May mga taong dapat pahalagahan at pasalamatan sa pagdating nila sa yong buhay.

 

       Nananatili pa rin ang aking paniniwala na MAY LAYUNIN ANG DIYOS  sa lahat ng bagay.  Di ko man makita pa sa ngayon, alam ko na para sa ikabubuti ito ng lahat. Natatalo man ng kahinaan ang aking pagkatao at kasalukuyang nararamdaman, ito ay pansamantala lang sapagkat walang nanana tiling permanente sa mundo lalong higit ang pagdaramdam at paghihirap.. sa KANYA pa rin ang pasasalamat sapagkat nananatiling nakatayo at humihinga.

7 Responses to "mUsta naman AKO"

im really very sorry to read your last two posts.

what could i say but to hope and believe that it is the Lord who gave you the great comfort in these times of testings.

He knows the times and the seasons, and we only have to abide by His plans on our lives, knowing and believing that His plans are the best for us.

God bless you and your family…

sabi mo nga di ba? blessing in disguise ang lahat ng nangyari. Just keep on looking on the positive side of it.. Mwahugs…

kaya mo po yan…GOD bless po…

ganyan nga ate bevs..magpakatatag ka..

ito ay isang spam…^,^

padaan at pa promote…lapet ng kite awards…

http://multipurposelyin2sumthin.paidtoblog.com/articles/maniwala-ka-lang/

padaan lang ulet..back to blogging na ulet tayo..hehe..mixed emotions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: