what a heck

Ang turo ni Ondoy

Posted on: September 29, 2009

rain-windowisa na yata sa pinakamalungkot na sandali sa akin ay twing sasapit ang tag-ulan. maliban sa hindi ako makalabas ng bahay, nakakalungkot pa ang panahon..  pakiramdam ko buong paligid ay lumuluha at nagdalamhati.

 

 

flood-walkNung nakaraang araw napalusong na naman ako sa bagaman hindi ito ang una kong pagtuntong sa tubig-baha pero first time ko makita ang lugar na tinitirhan ko na lumubog ng ganito sa baha.  Sinuong namin ang mataas na tubig dahil wala na kming choice..  Parang kelan lang nang huli kong maranasan to. di pa nakakalipas ang isang buwan at heto naman. tubig na naman ang siyang nagpahirap sa buhay ko.  Sa kabila ng kabugbutan, bigla akong napangiti sapagkat sa aming dinadaanan, kabaligtaran ng inaasahan kong pakiramdam ang aking mga nasaksihan sa reaksiyon ng mag tao sa ngyayaring iyon. Aming nadaan ang ibat-ibang grupo ng tao na puro nagkakasiyahan at nagsisipaglaro na animo silay’y nasa isang malawak na karagatan. playing-rain  Walang mapaglagyan ang knilang kasiyahan habang nagsisipaglaro at nagkakasiyahan sa ulanan.. Subalit kung ako ang tatanungin sa mga sandaling iyon, mas  ninanais kong makaahon na sa maitim na tubig na aking nilalakaran. Maliban sa pangambang sa kalusugan,  nagiginig na ang aking kalamnan sa pagkababad sa lamig ng tubig.

Samantalang sa ibang dako naman, habang ang iba ay nagkakasiyahan, ang iba naman ay tumataghoy at nagdadalamhati. May mga kawawang nilalang na nasa bubungan flood-on the roofat naghihintay ng mga sasaklolo.   Ang iba naman ay pilit na sinusuong ang baha kahit mapanganib makita lang mga mga pamilya.. Habang marami ang nawalan ng tahanan dahil sa hagupit ng malupit na si ondoy flood-house ng lamunin ang bawat bahay.. Naglutang ang lahat ng dumi sa paligidgarbage

 

Hindi na bago sa atin ang gnitong mga pangyayari. Habang patuloy na lumalakas ang ulan, nasilip ko ang tubig na lalong tumataas habang lumalalim ang gabi. Mbuti na lang at nasa 3rd floor ang kwartong aming inuupahan kaya hindi ito naabot ng tubug.. Dito naisip ko, ano nga ba ang itinuturo sa atin ng mga ganitong pangyayari.

 

Sa  Genesis chapter 6, God saw the wickedness of man kaya pinasya Niyang lipulin ang mga tao sa pamagitan ng baha. Subalit bago yun nagbigay pa rin ang Diyos ng maraming babala sa pamamagitan ni Moses. Ngunit walang nakinig sa kanya  bagkus pinagtawanan lang nila ang mag ito.. Kung ihahambing sa kasalukuyan nating nararanasan, marami ring pagkukulang tayong mga tao kung kaya tayo nakakranas ng ganitong sitwasyon..Masyado tayong nagiging abuso kung minsan sa kalikasan kay di na ntin makontrol ang pagbawi ntio. Sisi tayo ng sisi sa sa iba pero hindi natin tinitingnan kung gaano tayo karesponsable sa ating paligid. Nakikita natin ang pagkukulang ng iba ngunit di ang sarili nting pagkukulang .Walang pinipili ang gnitong sakuna. Kahit ano pa ang estado natin sa buhay damay pa rin tayo sa mga pangyayari..  Damay kahit ang  mga maliit na bata na walng muwang sa ngyayari. Damay maging ang mga responsableng tao na gumagampan ng tungkulin para sa inang kalikasan.. Ang tanong ni ONDOY sa atin lahat,

            1. Ano ang nagawa natin kaya siya nagtagumpay sa pagsalanta?

            2. Ano ang ginagawa natin habang siya ay sumasalanta

             3. Ano ang magagawa natin para  di na maulit ang gnitong pagsalanta?

 

Ito din ang naitanong ko sa aking sarili habang sinusundan ng tingin ang  mga poooopooooohhh na nakalutang sa kalsilog (kalsadang naging ilog).

 

 

3 Responses to "Ang turo ni Ondoy"

aw… gwabe nga yung bahang yun…

madami kasing pabaya, kung saan saan na lang nila tinatapon ang basura
pinuputol ang puno

ginagawang pabahay ang lugar na alam ng delikado..hai..

this is an eye opener for us.

I feel for you ate…

climate change na rin kc yan..turo ni ondoy maging maging responsable sa bawat ginagawa naten..bow..^_^

whoa…

uo nga grbe si ondoy…

$,$

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: