what a heck

Kuwentong Pambata

Posted on: September 22, 2010

ERMIS: Ang Matigas na Ulong Ipis     
  
  
  
 “Itay nakapasok na po ba kayo sa loob ng malaking bahay dun sa tapat?” Tanong ni Ermes ipis sa amang ipis isang umaga. “Bakit? Naku! huwag na huwag mong tatangkaing pumasok sa loob ng bahay na iyon kung ayaw mong mapahamak ha!” babala ng ama ni Hermis ipis sa kanya. “Bakit po?” May pagtatakang tanong nito sa kanyang ama gayung ito ang pinapangarap niya. “Delikado kasi anak ang buhay mo dun. Di basta- basta nakakalabas ng buhay ang bawat pumapasok dun. Kung maglalaro ka diyan na lang sa labas at wag ka masyado maglalayo ha.” Oo nga naman anak, Dito na lang kayo ng mga kapatid mo maglaro sa bahay. Subukan mong pumunta dun at malalagot ka sa akin!” Patakot na bilin ng ina ni Ermis sa kanya.          

    Isang araw, habang naglalaro ang mga batang ipis, nabanggit ni Ermis sa kaibigang si Pitis ang kanyang pagnanais na makapasok sa loob ng malaking bahay at makapunta sa kusina nito. Niyaya niya ang kanyang kaibigan na pumunta sila doon subalit tinanggihan siya nito. “Bakit mo naman gustong makapunta doon? Sabi ng nanay ko huwag daw akong pupunta dun kasi delikado daw dun.” sabi ni Pitis kay Ermis. “Wala! Gusto ko lang makarating doon at makita kung anong meron sa loob ng kusina nun na wala sa mga basurahang napupuntahan natin.” Gusto ko rin lang matikman ang pagkain sa kusina nila”. sabi ni Ermis         

    Dahil ayaw siyang samahan ng kaibigan at dahil na rin sa pagnanais na makarating sa kusina ng malaking bahay, pinuntahan ni Ermis si Dungis at eto ang niyaya niya. ” Dungis, nakapunta ka na ba sa malaking bahay? Gusto kong makapasok dun samahan mo ako.” Sabi nito kay Dungis. “Aba oo! pagmamalaking sabi ni Dungis. “Nakapasok na ako dun at napakasarap dun. Yung mga pagkain nila hindi bulok na gaya ng kinakain natin sa loob ng basurahan! Ang mga platong dinaanan ko puro makikintab at ang pagkaing nasa lamesa puro masasarap! “Paano mo nakain ang pagkaing nasa lamesa? Tanong nito ka Dungis. “Kasi walang takip yung pagkain na naiwan nung katulong dun sa lamesa kaya kaagad kong nagapangan at natikman. Ang sarap pala ang hindi bulok na pagkain! Pagmamalaking sabi ni Dungis. “Talaga!, gusto ko rin matikman yun! “ang sabi ni Ermis. “Pero kailangang mabilis ka tumakbo kapag pumasok ka dun at matalas ang pakiramdam para kapag may tao makakatakbo kaagad tayo. Delikado kasi dun e.” paalala ni Dungis.       

         

    Napagkasunduan ng dalawa na pumunta sa malaking bahay kaya isang hapon habang namamahinga ang mga magulang ni Ermis, dahan-dahan itong lumabas at mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Hinanap nya si Dungis dahil ito ang napagkasunduan nilang oras ng pagpasok sa malaking bahay. Pero ng sandalinga yun di niya makita si Dungis. Dahil sa gutom na si Dungis nauna na pala itong pumunta sa malaking bahay. Dahan dahan itong pumasok sa malaking gate para unti unting makapsok sa kusina ng bahay. Subalit di pa man siya nakakatuntong sa may pintuan ng kusina nakita na siya ng isang matabang babae na nagwawalis. Bahagya siyang nagtago sa gilid ng pinto para di makita ng matabang babae subalit nakita pala siya nito. Agad siyang hinabol ng hampas at wasiwas ng walis na hawak ng babae. Mabuti na lang at mabilis tumakbo si Dungis at agad nitong natakasan ang galit na galit na matabang babae at ang hampas ng mahabang walis nito.      

   

       Samantalang nasa may kalsada pa rin si Ermis at hinihintay si Dungis. Dahil sa inip napagpasyahan niyang pumunta na lang kahit mag-isa sa malaking bahay kahit pinagbabawalan na ng mga magulang at sa kabila ng babala ng kaibigang si Tipis. Habang naglalakad ito patungo sa malaking bahay nasalubong niya si Dungis na humahangos sa pagtakbo at napahiga ito sa pagod. “O Dungis san ka ba galling kanina pa kita hinahanap. Inip na nga ako paghihintay sayo e!” ang sabi ni Ermis. “aaaaahhhh!,” hingal ni Dungis.. Hinabol ako ng matandang babae dun sa malaking bahay buti nalang di ako naabutan! Pagod na pagod ako pagtakbo.” Ang tugon ni Dungis. Huwag na tayong tumuloy sa malaking bahay baka may manghabol ulit sa atin di ko na kakayanin pa ang tumakbo pagod na pagod na ako.” pag-ayaw ni Dungis. “Ano??!! Kanina pa ko hintay ng hintay at handa na nga ako pumunta doon tapos ngayon aayaw ka. Balak ko na nga lang pumunta kahit mag-isa e. Alam mo namang matagal ko ng pangarap na makarating doon.” Paghihimutok ni Ermis. “Delikado ngayon Hermis e mahina na katawan ko tsaka wag ka na lang tumuloy baka mapahamak ka rin lang. Ang tatapang ng mga tao doon at tiyak na di tayo paliligtasin kapag nahuli tayo. Ako nga takot na takot kanina buti na lang mabilis ako tumakbo”, sabi ni Dungis. ” Ah basta, kung ayaw ako na lang pupunta dun kahit mag-isa!” sabay talikod sa nanghihinang si Dungis.                

     

      Sa katigasan ng ulo ni Ermis, kahit marami ng nagasabi na huwag pupunta sa lugar na yun, nagpatuloy pa rin siya. Lalo itong naging matapang dahil sa sama ng loob kay Dungis na nangakong sasamahan siya pag punta doon. Narating niya ang gate ng malaking bahay. Nagpatingatingala siya at namangha sa ganda ng bahay. Nagpatuloy siya pagpasok at sa may likod na pinto siya dumaan para di mapansin ng mag katulong na nagsisipaglinis ang bakuran. Namangha siyang lalo ng mapasok niya ang kusina. Tuwang tuwa siya dahil pakiramdam niya di diya mapahamak sa lugar na yun. Maliban sa napakalinis at tahimik, napakabango pa ng mga pagkaing nakahain sa lamesa. Tama nga pala ang sabi ni Dungis na mukhang masarap ang mga pagkain dito kesa dun sa basurahan na palagi nilang kinukunan ng pagkain. Tuwang tuwa siyang gumapang sa mga plato, nagpadulas sa makintab sa sahig at naglaro laro s sa mga malilinis na kutsara at baso. Ang hindi niya alam nakikita na pala siya ng mayordoma ng bahay at dali dali nitong kinuha ang pang-spray para sa mga ipis. Hinabol siya nito habang winiwisik ang spray sa kanyang katawan. Nagsisigaw si Hermis at tumakbo ng mabilis pero hindi siya nakaligtas sa malupit na spray ng ipis. Hindi siya tinigilan ng galit na galit na spray hangga’t hindi siya bumabagsak sa sahig.             

Nanghihina na si Hermis at din na niya maigalaw ang kanyang mga paa at tuluyan na siyang napahiga sa sahig. Habang nakatiyaha at nauubusan ng hininga, naalala niya ang sabi ng kanyang mga magulang.. Kung nakinig lamang siya sa paalala ng mga ito sana hindi niya naranasan ang ganito. Kung hindi lamang naging matigas ang ulo niya sana ay matagal pa niyang makakasama ang kanyang pamilya. Naisip niya ngayon na ang di pagsunod at pagpapahalaga sa sinasabi ng mga magulang lalo na kung ito ay para sa kabutihan ay nagdudulot ng kapahamakan. Sana pinahalagahan na lang niya ang bilin ng mga magulang at sumunod na lang dito para hindi siya napahamak. Nagsisisi man siya nagayon pero wala na siyang magawa. At dito’y nanigas na ang katawan ni Hermis at tuluyan ng nalagutan ng hininga.         

       

4 Responses to "Kuwentong Pambata"

[…] ERMIS: Ang Matigas na Ulong Ipis                "Itay nakapasok na po ba kayo sa loob ng malaking bahay dun sa tapat?" Tanong ni Ermes ipis sa amang ipis isang umaga. "Bakit? Naku! huwag na huwag mong tatangkaing pumasok sa loob ng bahay na iyon kung ayaw mong mapahamak ha!" babala ng ama ni Hermis ipis sa kanya. "Bakit po?" May pagtatakang tanong nito sa kanyang ama gayung ito ang pinapangarap niya. "Delikado kasi anak ang buhay mo dun. Di basta … Read More […]

aw. sad pro napakaganda ng moral lesson. te bevs, ni reblog ko pala to at pinromote sa fb. balato ah?!😛

ay hindi ko alam kung maaawa ako kay ermes o matutuwa kasi ipis siya e hehehe nice post.

kawawang ipis😦
lesson learned: sumunod sa nakatatanda… they know what’s best for you… nice entry.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: