what a heck

About

“For I know the plans I have for you”, declares the Lord, plans to prosper you and not harm you, plans to give you hope and a future”.

                                                                                                   Jeremiah 29:11

 

…. alam ko na my layunin ang existence ko dito sa kinalalagyan ko ngayon.  Sino ba ako??  Diyos ang tanging nakakakilala sa aking tunay na ako.. Maaring mapangdaya ang panlabas na kaanyuan subalit batid Niya ang tunay kong kalooban..  Di man kasing tapang ni Samson sa pakikipaglaban sa leon, gayunpaman sa biyaya ng Diyos nananatiling nakatayo at kaikipaglaban sa bawat unos na dumadaan.

…..sabi nila kung ano ang siyang nasa puso siyang lalabas sa iyong mga kinikilos. Pero skin hindi  ito totoo.  Kayang itago ng iyong mga galaw ang nilalaman ng iyong puso. Kayang pagtakpan ng mga ngiti ang bigat na nararamdaman ng iyong kalooban. May  mga bagay na kahit gusto ng iyong puso di kayang isambulat at ipakita.  Ang lahat ay nadadaan sa halakhak bagaman alam ko na ang lahat ay pawang PANADALIAN lamang.

….bawat kahinaan ay may katumbas na lakasan.  Ito ako! mahina, marupok at kadalasang lumuluha.  Bawat experience maganda man o hindi, nagsisilbi itong hagdan sa akin para umangat at magpatuloy. Walang bagay na di ko  kayang lampasan maliban na lang siguro ang kamatayan.

….ang aking kasalukuyang kinalalagyan ay nakakabagot.  Tahimik ngunit nakakabingi. Maraming tao subalit para kang nag-iisa. Hanap ng hanap ala naman makita, isip ng isip hanggang antukin kn. Sa bawat pagkilos ng iyong daliri katumbas ay halaga. “research analyst” ang tawag nila sa ‘min.  Title pa lang boring na di ba?

… naalala ko tuloy ang dati kong trabaho, napakasaya at napakagulo pero puno ng adventure at pagkatuto sa piling ng mga munting anghel na umaasa akin upang matuto at maging daan sa pagbabago ng kanilang buhay. Makulay at puno ng kaligayahan ang bawat araw na nagdaraan habang nakikipaglaro sa mga ito.. Ewan ko ba kung bakit ako napadpad sa ganitong trabaho.. di man nagsisi pero malaki ang pagbabago.

SINO AKO??? in short, ako ay isang simpleng tao, dating guro ngayon iba na ang tinuturo.hahaha.. Isa na ako ngayong mananaliksik na di alm kung saan sarili ay isisiksik? WeW!!

My plano ang Diyos! Bawat kilos Niya ay may layunin. Maaring di ko pa lang pansin pero naniniwala ako sa kahalagahan ng aking existence..

3 Responses to "About"

bev.13.wordpress.com? add kita sa bahay ko ha magaganda ang mga na post mo… tama sali ka sa pakontes nila bernard… ako lang naman eh taga basa lang … en i love your post ipagpatuloy mo kapatid nkakatulong din kase sa catechesis ko sa human situation.. GBU

wow lupet talaga….

napakaganda!

salamat sa pag add sa akin🙂
add kita..
GBU

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: