what a heck

KWEN-TONG (ang kwentong may Bugtong)

 KWEN-TONG (ang kwentong may Bugtong)

 ni Bevs

 

Paunawa: Ang kwentong ito ay binubuo ng mga bugtong. Nangangailangan ng sintido-kumon at masusing pagsasaliksik upang masundan at makita ang kabuluhan.  Hinihiling ang  pang-unawa sa kakayahan ng may akda.

 

         Maliit pa si Nene marunong ng manahi..Ito ang palagi  niyang ginagawa sa ilalim ng manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi’y gabi na.  Hindi naman siya nagsasawa sapagkat ito ang kanyang tirahan. Dun siya kalimitang humahabi sa puno ng isang prinsesang nakaupo sa tasa.  Habang nagtatrabaho lagi niyang kasama ang kanyang kaibigang makikita kahit saan na gayang- gaya ang lahat ng kanyang ginagawa. Nagsisisilbi niya itong salamin na kanyang kinatutuwaan. Isang araw habang nagpapahinga nakita ng kanyang dalawang bolang sinulid, abot hanggang langit ang isang buto’t balat, lumilipad. Namangha siya sa ganda ng kulay at sa taas ng naabot nito. Naisip din niya kung paano nakararating ang isang tulad nito sa kalangitan. Saan kaya ito nanggaling at parehas kaya sila ng tinitirahan?

               Dahil sa mga katanungan ninais niya itong hanapan ng kasagutan. Bumaba siya sa kinalalagyan at nagsimulang maglakbay upang alamin ang mga bagay na di niya nalalaman. Sa kanyang paggagapang napadaan siya sa hindi hari hindi pari ngunit damit ay sari sari. Nakita niya ang isang bata at duon ay kumuha ng isang pinasukan, tatlo ang nilabasan. Sinundan niya kung saan pumunta ang bata suot ang kinuha at inaayos ang  suot ng dumaan si tarzan nasira ang daan. Pumasok ang bata sa loob ng tahanan at paglabas nito naupo sa may hagdan. Hawak na nito ang isang makulay na papel at hayan na si kaka, bubukabukaka habang kinukurtehan ang papel katabi nito ang kapiraso ng  matapang ako sa dalawa, takot ako sa isa, na kanyang biniyak at pumiraso ng upang gamitin dito at  pagkatapos ay ikinabit ang napakahabang tali. Nagpatuloy sa panunood ang maliit na nilalang na ito habang nakapwesto sa yumuko man ang reyna, di malalalag ang korona at matiim nitong pinagmamasdan ang batang kanina pa pawis na pawis sa pagbuo ng buto’t balat, lumilipad. Dahil tutok ang kanyang konsentrasyon di niya namalayan ang pagdaan ng kaibigang larawan ng kabagalan, uliran ng kasipagan pasan  ang pagkaing iniimpok sa pagdating na tag-ulan. At dito nya naisip na di hadlang ang kaliitan sa pag-abot ng kayaman.

               Natapos ng bata ang binubuong laruan. Mabilis itong tumayo patungo sa my bakuran. Tag-araw noon at malakas ang ihip ng hayan na, hayan na di ko pa makita kung kaya’t  mabilis na pumataas ang nabuong laruan. Sumayaw-sayaw ito sa itaas hanggang sa maabot ang bulak na bibitin-bitin, di puwedeng balutin. Parang walang nararamdaman kundi kaligayahan at kalayaan. Animo’y agila na may malalakas na bagwis at di napapagod sa pagkampay. Namangha ang maliit na nilalang sa nasaksihan at kanyang naisambulat “Kaya ko rin kay lumipad at mangingibabaw sa karamihan?”.

               Nagpatuloy sa paglakad ang maliit na nilalalang hanggang makarating sa punong kabit-kabit na uling, tingna’t bibitin-bitin. Sa pinakatuktok nito naisipan niyang maghabi ng napakalaking tirahan. Mahirap sa kanyang pakiramdam subalit my pagpupursigi siyang ito ay makamtan. Nais niyang siya ay tingalain ng mga kasamahan kung kaya sa pinakamataas at lantad na lugar niya ito inilagay.  Natapos niya ang pinakamalaking  bahay  na inaasam subalit  walang makaabot sa kanyang kaibigan. Sa sobrang tayog ng kanyang kinalalagyan ultimo munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas ay hindi maabot ang kanyang tirahan.

                Isang gabing tahimik, nagtatago ang isang pinggan, laganap sa buong bayan.  Masungit ang panahon  biglang pumatak ang malalakas na baston ni San Juan, hindi mahawakhawakan. Kasabay ang pagdagundong ng baka sa palupandan, ang unga ay nakakarating kahit saan. Ang malaking tirahan biglang natamaan at ang pobreng naghangad ng katayugan ngayo’y basang sisiw at walang masilungan.  Noon niya na naisip na kung nakatago sana sa mga malalapad na dahon ang ginawang bahay, sana ito ay matibay at di agad mapapawi  anumang unos ang dumaan. Kanya ring napagtanto na hindi parepareho ang ating kakayahan. Kung  buto’t balat, lumilipad ay kayang lumipad, ito naiibang katangian at kakayahan na nababagay sa kanyang kaanyuan. Ang pagmamataas ng hindi karapat-dapat ang siyang agad na kinababagsak. Hindi masamang maghangad at mangarap ng mataas kung abot ng iyong makakaya at limitasyon. Huwag ikumpara ang sarili sa iba at sa nagagawa nila sapagkat tayo’y nilikha ng Diyos na hindi pare-pareho at may ibat-ibang katangian na dapat linangin at pagyamanin. Kumapit sa matatag na pundasyon ng hindi madaling mabuwal.

               Sa aral na nakuha muling nagtayo ng tirahan ang maliit na nilalang dun sa sanga na na may malalapad na dahon nakubli subalit siguradong matatag, mapayapa at angkop sa kanyang laki. Nang gabing iyon mayapa siyang nahimlay sa sapot niyang tirahan habang iniilawan ng  liwanag sapagkat eto na si bayaw dala-dala’y ilaw.              

 

 

spider

 

 

11 Responses to "KWEN-TONG (ang kwentong may Bugtong)"

hanep!

ngayon ko lang na add. syensya na. hanep nga. hindi ko masagot ang ilang bugtong. akalain mong pagsama-samahin mo ang bugtong para makabuo ng kwento. nakakatuwa at lumalabas ang pagkamalikhainb ng mga bloggers!

galing!

galing, talagang mapapaicp ka..kinda nabobo ako ng konte sa bugtong hahaha..nagbasa ka na nag-icp ka pa…hehehe..clap-clap ulit..

WOW LUPET!
Gurong – guro, di ko masagot yung ibang bugtong hehehe
two thumbs up ka dyan!

dapat ang makabasa nito eh iyong magaling sa Filipino subject.

kakaibang atake ng pagsusulat.

magaling!

salamat sa yo.. kahit di mahusay sa Filipino kaya yan common sense lang..hehehe

hahaha! Asteeg neto. Nice idea s pagsusulat!

Npadaan lang.

http://dormboy.wordpress.com

papromote ulit. hanggang august 31 na lang tayo!

astig…
nahulaan ko ung iba, ung iba naman napaisip pa ako..
at iniisip hanggang ngaun…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: