what a heck

Tatlong Magkakaibigan

Tatlong Magkakaibigan : Si Patpat, Pisi at Plastik
likhang  imahinasyon ni Beverly Arguelles


May tatlong magkaibigan na palaging nagpapagalingan. Si Patpat na palaging pinagmamalaki ang taglay niyang  lakas at kagalingan sa pagbuo ng ibat- ibang hugis dahil sa manipis niyang katawan. Si Pisi , na taglay haba na nakakabot kahit saan at si Plastik na taglay ang ibat ibang pang-akit na kulay. Ang tatlong magkaibigan ay matatagpuan  sa isang bodega likod ng bakuran nila Tantan.

part 1

Isang umaga habang naglalaro si Tantan sa kanilang bakuran nakita niyang nakabukas ang pinto ng kanilang bodega at siya ay pumasok dito. “Hoy Tantan! pagulat sa sigaw ni Patpat. “tayo ay maglaro. marami akong maitutulong sayo para bigyan ka ng kasiyahan!” Nagsimulang sumayaw si Patpat sa harap ni Tantan at siya ay nagbuo ng ibat ibang hugis gamit ang kanyang katawan. Lumikha siya ng parisukat, tatsulok, parihaba, hugis bituin at kahit bilog ay nagawa niya dahil sa lambot ng kanyang katawan.

 

 

part 2

 

 

“Wow! ang galing!” ang tanging nasabi ni tantan dahil sa pagkabigla sa mga bagay na nagsasalita at pagkamangha sa husay na pinakita ni Patpat. “Mas magaling ako diyan!, singit naman ni Plastik. “Tingan mo may ibat- iba akong kulay. my berde, asul, pula,  dilaw, lila, at kulay   dalandan!, pwede mo akong gupitin at gawan ng ibat ibang hugis na makukulay at gawing laruan!” nakangiting pagkukumbinsi ni plastik kay Tantan.”

 

 

part3

 

 

“Wala kayo sa aking kakayahan!” pagmamayabang na sabat ni Pisi. ” Mahaba at malayo ang maabot ko.  Maari kitang samahan hanggang saan habang nakatali sa sira mong traktrakan!.  Di gaya nilang dalawa na hanggang dito na lang sa loob ng madilim na bodega”.

part 6

 

Hindi makapaniwala si Tantan sa kanyang mga narinig. Patuloy ang pagkamangha habang kinukusot ang mga bata dahil sa kanyang mga nakita. “Totoo ba ito? mga bagay nagsasalita?” malakas niyang tanong. “Oo!” sabay sabay na wika ng tatlo.     “Gusto ka namin tulungang maging masaya kaya pumili sa amin ng gusto mong makasama” sambit ni Patpat. Biglang natahimik at nag-isip si Tantan.   “Ah alam ko na!” nanlalaki ang mga mata habang masayang nakatingin sa tatlo.  “Dahil lahat kayo ay magagaling kayong, lahat kayo kasama!”. “Ayoko nga! sabat ni Patpat. “gusto ko ako lang.  Ako lang naman ang may kakayahan na gumawa ng ibat ibang hugis e.” sabay talikod habang nakairap ang mata. “Ako rin! ayoko! sagot naman ni Plastik. “Ayoko silang kasama kasi ang papangit nila. Di sila bagay sa kagandahan ng aking mga kulay!” pagmamayabang na sabi niya. “Mas lalo naman ako!” may hinanakit na tono ng boses ni Pisi. ” Gusto ko malayo ang marating ko, di naman nila kayang sumabay sa ‘kin dahil maiksi lang sila”. paghihimutok ni Pisi. “Wag na kayong mag-away dahil lahat kayo ay isasali ko sa gagawin ko.” sundin nyo lang ang iuutos ko at siguradong lahat tayo ay magiging masaya”.  Paniniguro ni Tantan.

 

part 5

 

 

“Patpat, kumorte ka ng  hugis tatsulok,” pagpapasimulang utos ni Tantan at sumunod naman c Patpat. “Ikaw naman plastik, iladlad magaganda mong kulay habang nakasakay sa likod ni Patpat. Kumapit ka lang ng mabuti at magpapatulong tayo kay Pisi para di ka malaglag. Ikaw naman Pisi sa yo kakapit si Patpat sa pamamagitan ng pagtali mo sa kanyang katawan. at pagkatapos kumapit kayo sa akin at tayo ay may pupuntahan!” “Magmula ngayon ang pangalan nyo ay SARANGGOLA”!

happy kite

 

 

Inilabas sila ni Tantan sa bodega at sa bukid dinala. Inihagis niya paitaas ang saranggola paayon sa ihip ng malakas na hangin. “Weeeeeeeeeee!! malakas na  sigaw ni Pisi habang tuwang tuwa, samantalang si Plastik naman at patpat ay nakapikit dahil sa takot. “Hoy imulat nyo mata nyo at tumingin sa ibaba. Wag kayong matakot di ko kayo bibitawan”.  usal ni Pisi. “Wwaaawwww!! sigaw ng dalawa ng makita ang ibaba. “Ganito pala ang pakiramdam ng may kasamang naglalaro at lumilipad pa.” sambit ni Patpat. “OO nga! masayang sabi ni Plastik. Dahil sa tuwa lalong ibinukas ni Plastik ang kanyang katawan at ipinakita ang ibat iba nitong kulay habang naglalaro sa ihip ng hangin. “Tingnan nyo oh! Ang daming mga bata na nanonood at natutuwa atin! Masaya silang napapalakpakan!” “Ganyan nga pag may pagkakaisa at pagtutulungan! sabi ni Tantan. Kaya nating magawa ang mga bagay na di kayang gawin ng  mag-isa. Lalong higit ating nadidiskubre magagawa pa pala tayo  na makakatulong at makakapagpasaya sa iba”

clip art

 

 

Lumipas ang maghapon na puno ng katuwaan ang magkakaibigan. Ang saranggola ay lumipad ng lumipad hanggang marating nila ang katayog tayugan. At doon nagising na rin si Tantan  at nasambit niyang lahat ay panaginip lang.

23 Responses to "Tatlong Magkakaibigan"

ay… ang ganda. ang galing ng pagkakahabi mo ng ideya.🙂

maraming salamat po.. mas maganda siguro kung comics style or illustrated pix. di ko kaya e ala ko gift sa art, ideas lang.hehehe

lupet sige ayan, gawa na ako ng kwento.. hahaha
siguro ipopost ko sa mismong patapos na ang pasahan. hahaha

ISA KA NGANG KAPITA PITAGANG GURO.
LUPET…

dahil sa pagtutulungan at pagkaka-isa, walang hindi pwedeng magawa kahit sintaas ito ng langit

ang ganda! Goodluck sayo at sayong entry!

wow naman!!!!
ang galing.

pero ako ang pipiliin ko
si pisi. hehehehehe

wala lang

bakit?

lapit na matapos ang contest, promote na!

huwaw…

basta lang may pagkakaisa at pagtutulungan..😉

i love it. ganda ng pagkakagawa.

buti nabasa mo pa tapos na ang contest e

[…] entry : Tatlong Magkakaibigan: SI Patpat, Pisi at Plastik […]

congratulations sa yong pagkapanalo!

congratz ate bevs….

woohooo…

burger burger burger….

wow! congratz! pa saranggola ka nmn! saranggola saranggola saranggola! (tongue twister?)

hhehe…!!!

wow… ang ganda naman mgaling ka taga hekhekhek sana gandahan mo pa .. para masay..

congratz !!!!!!!!!!!!!!!!!! huh galing mo gumawa ng kwento .. songrtzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.. i like it

na tuwa ang guro ko dahil ito ang ipinasa ko sa kanya….>hehehehehe maganda daw sabi ng ang guro.. congratz take care always god bless you..

thank you sa appreciation… sana nakatulong kwento ko sa grades mo…

o0 … na ka tulong pu ito sa grades ko malaki nga grades ko 89 salama sa kwento mo na tulongan talga ako thnx….

Hi Ms. Bev!
Ang ganda naman ng kwentong ito.🙂
Maari ko ba syang magamit sa isang activity namin sa mga bata?
Salamat po ng madami!
Godbless!🙂

sige po.. sLmT SA appreciation…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: